DAGUPAN CITY, NASA LOW RISK NA SA COVID-19 AYON SA OCTA

Inihayag ng Octa Research Group na nasa Low Risk na sa COVID-19 ang Dagupan City ngayon.
Kabilang ito sa apat na probinsiya sa Luzon na natukoy na bumaba ang growth rate, average daily attack rate, reproduction number, healthcare utilization rate at positivity rate.
Sa kanilang datos nasa dalawang porsyento na lamang ang positivity rate ng lungsod sa loob ng limang porsyentong threshold ng World Health Organization.

Sa huling datos ng City Health Office ng Dagupan nasa labing lima(15) na lamang ang aktibong kaso nito.
Sa naging pahayag naman ng Alkalde ng lungsod sa National Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team Visit Preparatory, bagamat ibinaba na ang Alert Level ng probinsiya ng Pangasinan hindi pa rin dapat magpaka kampante bagkus paigtingin ang kampanya sa pagbabakuna at hikayatin ang publiko na kunin na ang kanilang booster dose.
Ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lungsod ay dinadala na sa mga barangay upang hindi na mahirapan ang mga ito na magpunta sa Vaccination Center sa Dagupan City Astrodome. | ifmnews
Facebook Comments