Pinarangalan ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office 1 ang Lokal na Pamahalaan ng Dagupan City matapos nitong makamit ang Maturity Level 2 Award para sa Learning and Development system sa ilalim ng Enhanced Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management o PRIME-HRM.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa mahusay na pagpapatupad ng lungsod ng mga programa para sa pagpapaunlad ng kakayahan at kasanayan ng mga kawani, gayundin sa matatag na polisiya at proseso na nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko.
Ayon sa CSC, ang nasabing antas ay indikasyon ng patuloy na pag-angat ng pamahalaang lungsod sa pamamahala ng human resources at sa pagtataguyod ng merit-based at excellence-driven public service.
Ipagkakaloob ng ahensya ang sertipiko ng pagkilala bilang opisyal na patunay sa tagumpay at kahusayan ng Dagupan City sa pagpapatupad ng mga makataong programa at serbisyong may kalidad para sa mga Dagupeño.










