DAGUPAN CITY, PINATITIBAY ANG KAHANDAAN SA BANTA NG TSUNAMI AT SEGURIDAD NG KOMUNIDAD

Pinapalakas ng Dagupan City ang kahandaan at seguridad ng komunidad sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at DOST-PHIVOLCS.

Sumasailalim ang 15 barangay sa tsunami drills, hazard mapping, at evacuation training upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagtugon sa sakuna.

Napatunayan ang bisa ng maagang paghahanda nang makapagbukas ang lungsod ng 50 evacuation centers para sa mahigit 10,000 pamilya noong nakaraang bagyo, nang walang naiulat na casualty.

Kasabay nito, ipinamahagi ang tig-P1 milyon sa siyam na barangay, Lomboy, Salapingao, Bacayao Sur, Barangay II & III, Pugaro Suit, Lucao, Binloc, Barangay 1, at Mamalingling, para sa mga proyektong pang-imprastruktura at seguridad tulad ng concreting ng daan, CCTV installation, drainage works, riprap, at solar street lights.

Layunin ng mga programang ito na masiguro ang mas ligtas, organisado, at handang komunidad para sa mga residente ng Dagupan.

Facebook Comments