May paalala ang Dagupan City Police Station sa mga motorista upang makaiwas sa road rage kasunod na rin ng nasabing kaganapan sa Antipolo City na nauwi sa barilan.
Ayon sa himpilan, mahalagang maisaalang-alang ang emosyon, manatiling maging relax at maaaring ipraktis ang deep breathing sakaling makaranas ng tensyon sa katawan.
Iginiit din ng awtoridad ang pag-iwas sa mga kaguluhan sa kapwa-motorista. Sakaling may di pagkakaintindihan, mainam na huwag makisawsaw.
Importante rin daw ang pagpaplano ng tatahaking ruta dahil maaaring mgdulot ng stress ang pagra-rush o pagmamadali.
Dagdag pa ng tanggapan, gamitin nang mainam ang busina upang hindi ito pagmulan ng pag-aaway dahilan ang maidudulot nitong hindi lubos na pagkakaunawaan.
Iminungkahi rin ng pulisya ang pagtalima sa traffic rules tulad ng pagpapatakbo sa tamang bilis lamang.
Layon nitong maiwasan ang anumang tensyon o kaguluhan sa mga kakalsadahan na posibleng pang mauwi sa trahedya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨