DAGUPAN CITY POLICE, WALANG NAITALANG KASO NG INDISCRIMINATE FIRING SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON

Opisyal nang iniulat ng Dagupan City Police Office (DCPO) na walang naitalang kaso ng indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon 2026 sa Dagupan City.

Wala rin umanong naitalang insidente ng pagkasugat dahil sa ligaw na bala o paputok.

Ayon sa DCPO, bunga ito ng mahigpit na pagpapatupad ng “One-Strike Policy” ng Philippine National Police, kasama ang pinaigting na police visibility, regular na patrols, at maagang deployment ng mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Bahagi rin ng mga hakbang ang OPLAN BANDILLO at pakikipag-ugnayan sa mga barangay para sa paalala sa kaligtasan at pag-iwas sa mapanganib na gawain.

Facebook Comments