DAGUPAN CITY, TARGET ANG ZERO CASE NG GRASSFIRES

Tututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga fire safety trainings lalo na sa grassfires scenarios at iba pang mga programa upang maagapan ang posibleng banta ng mga sunog sa syudad.
Alinsunod dito, inilunsad ang ‘Fire Alam’ trainings na may layong maibahagi sa mga Dagupeños ang kinakailangang mga kaalaman sa usaping sunog, maging ang gampanin at kooperasyon ng bawat isa upang maiwasan ang naturang insidente.
Ayon kay City Mayor Belen Fernandez, nauna na umanong nag-invest ang LGU sa pagbili at pamamahagi ng mga grasscutters makaraang nakapagtala ng ilang grassfires sa lungsod.

Binuksan rin ng alkalde ang linya nito at hinikayat na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sakaling makakita ng mga bahagi sa kanya-kanyang lugar na matataas o marami na ang mga damo.
Mainam lamang itong kuhanan ng larawan, ilagay ang lokasyon at ipost upang mapuntahan ng LGU at mabigyan ng nararapat na aksyon.
Samantala, isa ang mga damuhan sa mga pinagmumulan ng sunog na posibleng pang kumalat sa mga kabahayan kung hindi naagapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments