DAGUPAN LIBERATION, TAGLAY ANG KOMPIRMASYON NG McARTHUR LANDING SA TONDALIGAN BLUE BEACH

Kasabay ng paggunita sa ika-81 anibersaryo ng McArthur Landings sa Dagupan City, kahapon, ipinasakamay din ng Pamahalaang Panglungsod ang Dagupan Liberation o ang MacArthur Blue Beach Timeline Handbook.

Simbolo ng kasaysayan para sa mga Dagupeño ang naturang handbook na naglalaman ng kompirmasyon na ang unang yapak ni General Douglas sa Luzon, ay naganap sa Blue Beach.

Mula sa mga military logs, operational maps at original na rekord na ibinahagi ng Chief Archivist ng MacArthur Memorial Foundation and Museum sa Norfolk, Virginia.

Binigyang-diin sa pagtitipon, ang pangangalaga sa katotohanan na bahagi ng makasaysayang pagbabalik ni General MacArthur ang lungsod.

Hinimok ang mga kabataang Dagupeño sa responsibilidad na protektahan at aralin ang kasaysayan nang wasto upang patatagin ang kanilang paninindigan sa fake news.

Facebook Comments