DAGUPAN PNP, HANDA NA SA HALALAN 2025

Nakatakdang i-deploy ang nasa mahigit isang daang police personnels ng Dagupan City PNP ngayong darating na eleksyon sa Mayo a-dose.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan Police Station Operation Officer PLt. Jesus Gerard Manaois, tatlumpung mga polling center ang babantayan ng pulisya sa lungsod kung saan mayroong tig-dalawang pulis ang nakatalaga sa bawat polling center.
Mainam umano ang augmentation para sa karagdagang pwersa bagamat tiwala si Manaois na sapat ang kapulisan sa Dagupan City.
Samantala, mas pinaigting pa ngayon ang pagbabantay ng awtoridad sa lungsod upang mabantayan ang sitwasyon ngayong nalalapit na halalan at mapanatili ang kaayusan sa syudad ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments