Muling pinaalalahanan ng Dagupan City Police Office ang publiko tungkol sa Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997, na naglalayong protektahan ang mga biktima ng rape at sekswal na pang-aabuso.
Nilinaw ng batas ang depinisyon ng rape, kabilang ang pakikipagtalik nang walang pahintulot at sa mga hindi makapagbigay ng wastong pagsang-ayon dahil sa edad o kalagayan.
Saklaw din nito ang rape sa pamamagitan ng iba pang paraan. Ang mapatutunayang nagkasala ay maaaring patawan ng reclusion perpetua.
Tinitiyak din ng batas ang karapatan ng mga biktima na magsampa ng kaso, makatanggap ng proteksyon at suporta, at mabigyan ng kompensasyon.
Hinihikayat ang publiko na agad magsumbong sa Dagupan City Police sa 0998-598-5121 o 0933-502-4899.
Facebook Comments








