Nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Dagupan Waste Management division sa mga kalapit na lugar ng lungsod upang gawing sanitary landfill.
Ayon sa ahensya mismong ang Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ang nag-abisong sa Metro Clark sa Pampanga na dalhin ang mga nakokolektang basura sa siyudad makaraang magsara ang sanitary landfill sa lungsod ng Urdaneta Siniguro naman ng Dagupan WMD na mayroong 3rd party waste collector ang mga ospital sa loob ng siyudad upang mangolekta ng kanilang mga infectious waste. Kasama na riyan maging ang mga infectious waste mula sa isolation facilities at Dagupan City Health Office.
Samantala, kung sakaling matuloy aniya ang mga napaulat na pagsasagawa ng sanitary landfill ng bayan ng Sual at San Fabian ay handa silang makipag-ugnayan sa mga ito.