DAGUPENYO, NAGKAMIT NG UNANG PWESTO SA 35TH GAWAD ALTERNATIBO (VIDEO EXPERIMENTAL CATEGORY)

Naiuwi ng Dagupenong si Laurence Llamas, ang unang pwesto bilang Direktor at Scriptwriter ng pelikulang pinamagatang, “𝘗𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘈𝘯𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘜𝘮𝘪𝘪𝘯𝘥𝘢𝘬 𝘴𝘢 𝘏𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯,”,” sa katatapos lamang 35th Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video (Video Experimental Category) .
Ang Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Video ay ang “pinakamatagal na independent competition ng pelikula sa Asya, tampok nito ang alternatibong pagkukuwento at paggawa ng pelikula ng Filipino.
Samantala, si Llamas ay kasalukuyang 4th Year BA Communication Major in Digital Cinema Track sa isang unibersidad sa Manila at a uong taon niya sa kolehiyo, napunta siya sa iba’t ibang produksyon na pinamumunuan ng mag-aaral sa pagsulat at paggawa ng maraming pelikula, na siyang nagamit niyang paraan upang magwagi sa patimpalak.

Kaya naman mula dito sa IFM Dagupan, congratulations sa pag-uwi ng karangalan at pagbibigay buhay at importansya sa paggawa ng pelikulang Filipino. |ifmnews
Facebook Comments