Patuloy na namamayagpag ang mga atletang Dagupeno sa ginaganap na Palarong Pambansa 2025 matapos ang patuloy na pagsungkit ng medalya sa magkakaibang larangan.
Kahapon ay nakuha ang Silver Medal sa 4×100 Medley Relay Swimming – Elementary Level ni Crishnea Cielo Estrada. Ayon kay Estrada kaakibat ng kanyang tagumpay, ay ang mga taong naniwala at sumuporta sa kanyang laban.
Tatlong medalya naman ang naiuwi ni Carys Esther Navalta sa Gymnastics – Elementary Level: isang Silver Medal sa Single Bar (WAG), at dalawang Bronze Medal sa Vault Apparatus at Balance Beam. Pinatunayan ni Navalta ang kanyang kahusayan at pagpapanatili sa bawat routine.
Namaygpag din sa larangan ng Taekwondo si Jana Leah Juguilon na nagkamit ng Bronze Medal sa Taekwondo Kyorugi Bantam Weight Category.
Samantala, nagpaabot na rin ng pagbati ang lokal na Pamahalaan sa Nakamit na tagumpay ng mga batang atleta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









