Katuwang ng hanay ng kapulisan ang mga Barangay Officials upang patuloy na maisulong ang mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa improvised canon o boga.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan City PNP Chief PLtCol. Brendon Palisoc, inatasan ang mga Barangay Council sa tatlumpu’t-isang barangay sa Dagupan City upang matiyak ang pag-implementa ng naturang kautusan sa mga nasasakupang lugar.
Dagdag dito, isa ang pagpapatupad nito sa mahigpit ding tinututukan upang kahit hindi umano makamit ang 100% na Firework related incident, ay daan ito upang mapababa ang kaso ng mga nabibiktima ng boga.
Buwan ng Oktubre pa nang magsimulang kumpiskahin ng pulisya ang mga boga at iba pang pyrotechnic devices sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments