Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panawagang ibaba na sa Alert Level 1 ang buong bansa para makapagbukas ng mas maraming negosyo at trabaho sa gitna ng bumababang kaso ng COVID-19.
Pero ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, dapat itong gawin ng dahan-dahan dahil nandyan pa rin ang banta ng virus.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Metro Manila at ilang probinsya hanggang sa Pebrero 15 kung saan ang mga establisyimento ay pinapayagang mag-operate at 50% indoor capacity para sa mga bakunado at 70% outdoor kahit unvaccinated.
Ayon kay Castelo, oras na ibaba na sa Alert Level 1 ang bansa, aabot sa 1.5 milyong mga negosyo ang makakapag-operate at full capacity at mas marami ang makakabalik sa trabaho.
Nilinaw naman ni Castelo na anuman ang alert status, mahalagang makapagprisinta ng Safety Seal Certification ang mga establisyimento para patunayang sumusunod sila sa minimum public health protocols.