Suportado ng OCTA Research Team at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dahan-dahang pagluluwag ng polisiya hinggil sa pagsusuot ng face shield.
Ito ay matapos patuloy na bumababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at marami na rin ang nabakunahan sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, inirekomenda na nila sa Inter-Agency Task Force ang polisiyang kasabay ng pagpapaubaya ng desisyon sa DILG.
Hindi naman kasama sa polisiya ang mga hospital kung saan mataas ang risk na mahawaan ng virus.
Sa ngayon, maliban sa OCTA ay iminungkahi na rin ni DILG Secretary Eduardo Año ang hindi na pagsusuot ng face shield.
Unang niluwagan ang pagsusuot ng face shield sa 3Cs areas kabilang ang; closed spaces, crowded areas, at close-contact settings.