Dahan-dahang pagtatanggal ng face mask policy sa ilalim ng Alert Level 0, pag-aaralan ng National Task Force

Dapat unti-untiin ng pamahalaan ang pagluwag sa requirement sa pagsuot ng face mask bago ito tuluyang tanggalin.

Sinabi ito ni National Task Force against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa sa panayam ng RMN Manila kasunod ng pahayag ng pamahalaan na pinag-aaralan na nito ang guidelines sa Alert Level 0.

Ayon kay Herbosa, dapat simulan muna itong luwagan sa mga open spaces at kung walang nakitaang negatibong epektibo ay saka ito ipatutupad sa mga indoor places.


Dagdag pa nito, kailangan maging maingat ang pamahalaan upang hindi magaya ang Pilipinas sa mga bansang sumipa ang kaso ng COVID-19 matapos tanggalin nila ang requirement ng pagsusuot ng facemask.

Samantala, sinabi rin ni Herbosa na nananatiling dominant variant pa rin ang Omicron sa kabila ng paalala ng World Health Organization laban sa umuusbong na Deltacron variant.

Facebook Comments