Dahil ‘hindi mahilig sa showbiz’: Pacquiao ‘walang update’ sa status ng Jimuel-Heaven

342

Kamakailan lang ay usap-usapan ang hinalang hiwalay na si Jimuel Pacquaio at aktres na si Heaven Paralejo matapos i-unfollow ng dalawa ang isa’t-isa sa Instagram.

Maging si Senator Manny Pacquiao ay walang ideya sa tunay na status ng panganay na anak at girlfriend na si Paralejo.

“Wala akong update. Hindi ako mahilig sa showbiz na e, ani Pacquiao nang tanungin ukol dito sa isang panayam sa Senado.


“Tanungin ko,” dagdag niya.

Wala namang inilabas na pahayag sa bali-balitang hiwalayan si Jimuel at Paralejo na umaming magkarelasyon noong Marso.

Facebook Comments