DAHIL KAY OMPONG | 11 kalsada sa Luzon, sarado pa rin

Labing isang kalsada na lamang sa Luzon ang nanatiling sarado sa trapiko dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Ayon sa DPWH, siyam na road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR) at dalawa sa Region 2 ang hindi pa rin pwedeng daanan ng lahat ng uri ng sasakyan dahil sa mga pagguho ng lupa, sirang tulay at pagbaha.

Kabilang sa mga saradong kalsada ay ang Kennon Road, ilang bahagi ng Baguio-Bontoc Road at Baguio-Bua-Itogon Road sa Benguet.


Gayundin, ang Apayao-Ilocos Norte, intermittent section sa Apayao.

Samantala, kabuuang P2.74 billion na ang partial cost of damage ng bagyo sa mga kalsada, tulay, flood-control structures at public buildings.

Pinakamalaki na halaga ng pinsala sa mga imprastraktura ay sa Ilocos Region na umaabot sa isang bilyong piso; sumunod ang CAR na P889 million, P656.4 million sa Region 2, P157.75 million sa Region 3 at P20 million sa Bicol Region.

Facebook Comments