DAHIL RAW SA KARNE NG BAKA?| Canelo Alvarez, nagpositibo sa performance enhancing drug

Mexico – Nagpositibo sa performance enhancing drug ang Mexican boxer na si Canelo Alvarez.

Sa isinagawang drug test kay Alvarez para sa rematch kay Gennady Golovkin sa Mayo 5, lumabas na mataas ang level niya ng Clenbuterol.

Ang Clenbuterol ay isang substance na ginagamit para mawala ang taba sa katawan na nagpapalaki rin ng muscle ng isang atleta.


Pero ayon kay Alvarez, nakuha niya ito sa pagkain ng kontaminadong karne ng baka.

Dahil dito, nakatakdang lumipat ng training sa U.S. ang Mexican boxer at pinagsusumite siya ng karagdagang test ilang linggo bago ang laban.

Facebook Comments