DAHIL SA ALITAN | Isang bahay sa Pikit North Cotabato, hinagisan ng granada

North Cotabato – Alitan sa pamilya ang nakikitang motibo sa pagpapasabog ng isang bahay sa Barangay Kulambog, Pikit, North Cotabato.

Sa ulat, hinagisan ng granada ang bahay ni Fulisido Tanud-Tanud saka ito pinagbabaril gamit ang matataas na uri ng armas.

Masuwerte naman walang tinamaan sa pamilya ni Tanud-Tanud pero agad na tumakas ang mga suspek nang magresponde na ang mga otoridad.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa nasabing insidente.

Facebook Comments