DAHIL SA ALLERGY | Nadine Samonte, isinugod sa ospital!

Manila, Philippines – Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang aktres na si Nadine Samonte at ang baby na nasa sinapupunan nito makaraang atakihin ng allergy.

Kahapon ay mag-isa lang na kumakain ng tanghalian si Nadine nang bigla na lang itong nahirapang huminga.

Agad siyang isinugod sa ospital kung saan agad siyang nilapatan ng lunas.


Natuklasan na inatake ito ng allergy dahil sa kinaing fried chicken.

Ayon sa aktres, sobra ang takot na kanyang nadama lalo na at iniisip niya na baka maapektuhan ang kanyang ipinagbubuntis.

Buti na lang daw at agad siyang nalunasan kung saan wala namang masamang nangyari sa kanila ng kanyang second baby.

Facebook Comments