Dahil sa ASEAN summit, Cebu Pacific umapela sa ilang biyahero na magparebook na lang

Manila, Philippines – Nagpalabas ng abiso ang Cebu Pacific sa lahat ng pasahero na magbbyahe papunta at magmumula sa Metro Manila bukas November 12 hanggang November 15, Miyerkules.

Ayon sa Cebu Pacific, asahan na ang delay sa kanilang mga biyahe dahil sa ASEAN summit na idaraos sa bansa.

Pinapayuhan ang mga pasahero na may flight sa mga nabanggit na petsa na iparebook ang kanilang biyahe ng mas maaga o sa loob ng 7 araw mula November 15 nang walang rebooking charge o makakuha ng full refund sa kanilang pasahe.


Ang hakbang na ito ng Cebu Pacific ay upang maibsan ang pagkaantala ng mga flights dahil maraming heads of states at delegado ng ASEAN ang gagamit ng iba’t ibang paliparan.

Facebook Comments