Dahil sa bagyo flights papuntang Batanes, kinansela

Manila, Philippines – Dahil sa itinaas na signal number 1 sa Batanes bunsod ng bagyong Gorio flights papunta doon, kinansela.

Partikular na kinansela ng PAL express ang 2P 084 at 2P 085 o Manila-Basco-Manila.

Patuloy ding inaabangan ang iba pang posibleng kanselasyon ng flights sa mga apektadong lugar.


Samantala, pinayuhan naman ng Manila International Airport Authority ang mga pasahero na agahan ang pagpunta sa naia terminals para hindi mahuli sa kanilang flights ngayong masama ang panahon.

Facebook Comments