Mahigit 200,000 customer ng Meralco ang naapektuhan ng mga power interruption dahil sa bagyong Ompong.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nasa 203,900 customer ang naapektuhan ng mga service interruption
Tiniyak naman ni Zaldarriaga na tuloy-tuloy ang kanilang trabaho para maibalik ang supply ng kuryente sa kanilang mga franchise area.
Pero ilan aniya sa mga lugar ang hindi mapuntahan ng kanilang team dahil sa baha.
Facebook Comments