DAHIL SA ‘BATO’ | Chinese villager, instant milyonaryo

China – Nang dahil lang sa isang pirasong gallstone ng baboy, instant milyonaryo ang isang Chinese villager mula Ju County sa Rizhao City.
Ayon kay Bo Chunlou, may habang 4 inches at lapad na 2.7 inches ang bato sa apdo ng baboy na kung tawagin nila ay “Bezoar.”
“Pig Treasure” naman kung tawagin ito ng mga practitioner ng traditional Chinese medicine.
Paniwala ng mga eksperto, epektibong pantanggal ng dumi sa katawan ang Bezoar.
Sobrang bihira lang daw itong matagpuan kaya naman aabot sa 4-million Chinese Yuan Renminbi ang presyo nito na katumbas ng mahigit tatlong milyong piso!

Facebook Comments