DAHIL SA BRA: Babae, naligtas ang buhay mula sa gun mass shooting

via whio.com

Isang babae ang himalang nakaligtas mula sa gun mass shooting sa Brooklyn dahil tumama ang bala sa strap ng bra nito.

Kinilala ang babae na si Daniessa Murdaugh, 21 anyos, na dumalo sa isang block party nitong Hulyo 27 sa Brownsville, Brooklyn.

Dakong ika-11:00 ng gabi, nangyari ang shooting at isang tao ang nasawi habang 11 na katao naman ang sugatan.


Isinalaysay ni Daniessa kung paano tumama ang bala sa kaniyang spine o likod ngunit napigilan ito dahil sa kaniyang strap ng bra.

My bra strap, thank God it was there, because it was thick enough to save it because if it wasn’t there it would have went deeper than what it was,” pahayag ni Daniessa.

Ayon kay Daniessa, paalis na sana noong gabing iyon para tumakas sa kaguluhan nang may narinig na dalawang shot ng baril.

“When we turned around to run I heard two shots go off and I was hit in my back. I was on the floor panicking,” ani Daniessa.

“I couldn’t breathe. Everyone was surrounding me. My heart was racing. I was feeling faint. I couldn’t stand up,” dagdag niya.

Sa pahayag kay Odessa Watson, ina ni Daniessa, nahulog lamang ang bala sa strap ng bra. Dagdag ni Odessa, regular bra lamang ang suot ng kaniyang anak.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis ang nangyaring insidente. Tiniyak din ng mayor ng Brownsville sa Brooklyn na ang trahedya ay hindi inirerepresenta ang kabuuan ng kapayapaan ng komunidad.

Facebook Comments