Umapela sa publiko ang MMDA o Metro Manila Development Authority na mas habaan ang pasensya dahil sa inaasahang mas matinding trapiko sa 2018.
Ayon kay Transportation Undersecretary at MMDA general Manager Tim Orbos, ito ay bunsod ng maraming nakalinyang mga proyektong pang imprastraktura sa ilalim ng programang Build, Build, Build na magsisimula sa susunod na taon
Ilan sa mga proyektong bahagi nito ay ang pagpapatuloy ng Metro Rail Transit-Light Rail Transit Common Station, LRT Line 2 Extension Project sa Marcos Highway at LRT Line 1 Extension patungong Cavite.
Aniya, target matapos ang lahat ng proyekto bago magtapos ang Duterte adminsitration.
Facebook Comments