DAHIL SA DARE: Lalaki kumain ng tuko, patay 10 araw makalipas

Nagluluksa pa rin ang isang pamilya sa Australia na nawalan ng haligi ng tahanan, na namatay sa malubhang sakit dahil sa pagkain ng tuko.

Napabalitang kumasa sa “dare” o hamon ng isang kaibigan sa dinaluhang Christmas party nakaraang taon si David Dowell, ama ng tatlo.

Makalipas ang dalawang araw, isinugod si Dowell sa ospital dahil sa matinding sakit, na ayon sa pagsusuri ng doktor ay sanhi ng salmonella.


Makaraan ang ilan pang araw ay lumala ang sintomas ni Dowell– sumuka ito ng berdeng likido, nangitim ang ihi, at may tumatagas na likido mula sa kaniyang tiyan na lumaki nang tila tiyan ng anim na buwang buntis, ayon sa pamilya.

Higit kalahating taon na ang nakalipas ay naghahanap pa rin daw ng malinaw na sagot o paliwanag ang pamilya Dowell sa naging sanhi ng karamdaman ng ama dahil sa magkakaibang salaysay kaugnay ng nangyaring party.

Ayon sa anak ng nasawi, hindi niya nakitang kinain ng ama ang butiki, taliwas sa sinabi ng ilang kaibigan nito.

“We don’t know 100 percent how he passed but on the actual death certificate, it did say ingestion of a gecko, so I’m assuming it was that,” ani ng naiwang asawa ni Dowell.

Facebook Comments