Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na dumadagsa ang reklamo sa DOJ mula sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay Aguirre, isa sa mga nagreklamo ay may anak na nagkaroon ng “baby TB” matapos mabakunahan ng Dengvaxia noong April 2016.
Bumagsak din aniya ang resistensya ng nasabing bata at naging sakitin na.
Una nang kinumpirma ni Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy na 733,713 na mga bata ang nakatanggap ng naturang bakuha sa ilalim ng DOH school-based immunization program na inilunsad noong 2016.
Nakatakda namang magpalabas si Aguirre na department order na aatas sa NBI para pangunahan ang imbestigasyon sa kontrobersyal na bakunang inaprubahan ni dating Health Sec. Janette Garin sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.