DAHIL SA DENGVAXIA? | Pagkamatay ng grade 5 student, sinisisi sa dengvaxia

Manila, Philippines – Galit na galit pa rin si Ramil Pestilos, ama ng grade 5 student na namatayan ng anak matapos maturukan ng dengue vaccine.

Ayon kay Ramil, desidido siyang ipa-autopsy ang kanyang anak na si Anjielica para malaman ang katotohan sa pagkamatay ng nito.

Sa death certificate ni Anjielica, nakasaad na Lupus ang sanhi ng pagkamatay nito ngunit lumabas sa inisyal na resulta ng isinagawang forensic examination ng mga doctor ng Public Attorney’s Office, ay may nakita silang senyales na severe dengue ang sanhi ng pagkamatay ng bata.


Ayon kay Dr. Erwin Erfe, director ng PAO Forensic Laboratory Services, hindi nangyayari sa isang may Lupus ang paglaki o pamamaga at matinding pagdurugo ng internal organs.

Halimabawa nito ay matinding pagdurugo sa baga at tiyan na naging dahilan ng kaniyang abdominal pain gayun na rin ang pamamaga at paglobo ng spleen at parehong kidney.

Nabatid na pinayagan ng pamilya Pestilos ang PAO ang siyang sumuri sa katawan ni Anjielica.

Facebook Comments