DAHIL SA DEODORANT | Lalaki, arestado matapos magnakaw sa isang supermarket sa Malate, Maynila

Manila, Philippines – Sa kagustuhan maging mabango ang kili-kili, kalaboso ang isang lalaki matapos magnakaw ng dalawang deodorant sa isang supermarket sa Malate, Maynila.

Todo hingi ng tawad ang suspek na si alyas Boy, 38-anyos nang mahuli ito ng mga empleyado ng supermarket.

Sinubukang ilabas ng suspek ang dalawang deodorant na nagkakahalaga ng mahigit P400.00 kung saan itinago niya ito sa kaniyang baywang.


Aminado ang suspek sa krimen at nagawa lamang daw niya ito dahil nais niyang maranasan ang magkaroon ng ganitong uri ng deodorant na ini-spray sa kili-kili.

Facebook Comments