DAHIL SA DROGA? | Natutulog na ginang, binaril sa ulo

Tondo, Maynila – Hindi na nagising pa ang isang natutulog na ginang matapos itong barilin sa ulo sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Pacheco Street, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Debbi Mercado, 37-anyos, isang labandera at kilalang gumagamit ng iligal na droga.

Kwento ng nanay na si Patricia, natutulog sila kasama ang anak ni Debbie nang mangyari ang insidente kung saan nagising na lamang sila dahil sa isang putok ng baril at nakitang duguan ang ulo ng biktima.


Nakita naman ng isang residente ang nag-iisang suspek na tumakas sakay ng isang SUV na hindi naplakahan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung may kinalaman sa iligal na droga ang pamamaril maging ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments