DAHIL SA ELECTRIC FAN | Magnanakaw, arestado

Manila, Philippines – Nahuli ang isang lalaki sa Old Panaderos St., Sta Ana, Maynila, makaraan itong magnakaw ng electric fan, na nagkakahalaga na isang libong piso.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, agad na napansin ng biktimang si Chona Bilsana, na nawawala na ang kanilang electric fan pagkauwi nito ng bahay.

Nakita umano ng biktima ang suspect na si Christopher Lopez, 39 anyos, na bitbit ang kanilang electric fan sa isang bentahan ng mga gamit, kayat agad niya itong kinompronta at dinala sa police station.


Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong theft.

Facebook Comments