Nanatili pa rin ang banta ng mga pagbaha sa mga mabababang lugar sa lalawigan ng Bataan, Cavite, at Batangas ngayong umaga.
Batay sa pinakahuling heavy rainfall warning na ipinalabas ng PAGASA Weather Bureau , bunga pa rin ito ng patuloy na pag uulan dala ng southwest monsoon o habagat.
Mula kaninang alas singko ng umaga itinaas na ng PAGASA Weather Bureau ang yellow alert level sa mga nabanggit na lalawigan.
Habang makakaranas naman ng light to moderate hanggang sa may kalakasang ulan ang mga lalawigan ng Nueva Ecija at Quezon na maaaring magtuloy-tuloy sa loob ng tatlong oras.
Ang impormasyon na ito ay na-monitor batay sa kasalukuyang radar trends ng weather bureau.
Kaugnay nito pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang mga residente at manatiling alerto para sa kanilang kaligtasan.