DAHIL SA HABAGAT | Pinsalang dulot ng pag-baha sa Pangasinan, umabot sa humigit kumulang isang bilyon!

Dahil sa nangyaring matinding pagbaha sa iba’t ibang panig ng Pangasinan dulot ng habagat na tumama sa lalawigan, umabot sa humigit kumulang na P440 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura pa lamang.

Ayon sa ulat ng provincial government ng Pangasinan matinding nasalanta ang agrikultura na nasa 29,000 ektarya ang nasirang mga pananim na aabot umano sa P420 milyong piso isama pa ang iba pang mga pananim tulad ng gulay na aabot sa P24.3 milyong piso. Nariyan din ang pinsala sa livestock at poultry farms na aabot sa P3.61 milyong piso at nasa P230,000 pesos naman sa aquaculture industry.

Inisyal na pinsala sa infra ay umabot na sa PHP 200-Million at PHP90-Million naman para sa flood control projects ng probinsya.


Inamin naman ng provincial government na mas mataas ang halaga ng pinsala kaysa sa pondo ng kanilang Calamity Fund kaya kakailangin talaga ang ayuda mula sa national government at ibang pribadong non-government organization upang mas mapabilis ang pag-ayuda at pagpapagawa ng mga napinsala sa kalakhang Pangasinan.
Siniguro naman ng provincial government na patuloy nilang tutukan ang mga bayang matinding tinamaan ng pagbaha upang mabigyan ng agarang tulong na kailangan.

*Photo credited to Wikipedia*

Facebook Comments