DAHIL SA HEAT STROKE | Dalawang inmate ng MPD-Station 3, namatay

Manila, Philippines – Magkasunod na namatay ang dalawang inmate ng Manila Police District-Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.

Hinihinalang kapwa maysakit bago pa man naaresto at makulong sa mga maliliit na kaso ang mga nasawing sina Charles Pismot Dionisio at Daniel Leonard.

Sa ulat, nahirapang huminga si Dionisio habang nasa loob ng selda kaya dinala siya sa pagamutan subalit namatay habang ginagamot.


Bago si Dionisio, una nang isinugod sa parehas na ospital si Leonard dahil sa matinding pagsusuka at nahihirapan ding huminga.
Nagtagal pa ng halos kalahating araw si Leonard subalit binawian na rin ng buhay ilang minuto matapos mamatay si Dionisio sa nasabing pagamutan.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na heat stroke ang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Dionisio habang si Leonard ay hindi na kinaya ang kaniyang sakit.

Facebook Comments