DAHIL SA HOTDOG | Baby, patay matapos mabulunan sa Bulacan

Balagtas, Bulacan – Todo iyak ang isang ginang matapos na mamatay ang kaniyang isang taong gulang na anak na babae sa Balagtas, Bulacan.

Lumalabas sa imbestigasyon na nabulunan ang bata matapos itong makalulon ng isang buong hotdog.

Ayon sa nanay nito na si Grace PariƱas, sinusubuan niya ng hinimay na hotdog ang anak kung saan tinitikman lang daw nito ang pagkain at iniluluwa rin.


Naiwan saglit ng ina ang anak dahil may kinuha ito sa itaas ng kanilang bahay pero pagbalik niya ay nakita niyang nangingitim na ang mukha ng bata at hirap nang huminga.

Isinugod nila ang bata sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.

Facebook Comments