Matapos maranasan ang ilang araw na suspensyon ng klase noong nakaraang linggo, inihayag ng Department of Education Region 1 na nakahanda ang ahensya sa pagpapatupad ng make-up classes sa mga paaralang apektado ng sama ng panahon.
Sinabi ni DepEd Region 1 Tolentino Aquino na may mga hakbang na ang mga paaralan ukol sa pagpapatupad o pagsasagawa ng make-up classes matapos ang naganap na mga class suspensions ng mga LGU dahil sa epekto ng mga bagyo at pag-uulan.
Sinabi ng opisyal na maaaring namang ganapin ang make-up classes sa araw ng Sabado para sa mga araling hindi natalakay, kung saan maaaring face-to-face o modular distance learning.
Sa School Calendar ng mga ahensya, dapat makabuo ang isang estudyante sa isang taong pampaaralan ng nasa 200 araw pasok, dalawampu naman ang buffer days na pwedeng gamitin kapag nakakaranas ng kalamidad.
Matatandaan na marami sa mga paaralan sa rehiyon ang nag-deklara ng suspensyon ng klase dahil sa matinding epekto ng kalamidad na nagdaan. |ifmnews
Facebook Comments