DAHIL SA IMPORTASYON? | Piso, itinuturing ‘worst performing currency’ sa Asya

Manila, Philippines – Itinuturing bilang “worst performing currency” sa Asya ang piso.

Ito’y matapos pumalo sa 52.12 ang halaga ng piso kontra dolyar na pinakamahinang antas ng piso sa loob ng 12 taon.

Pero paliwanag ni Budget Sec. Benjamin Diokno, ang paglakas ng dolyar ay dahil sa importasyon ng Pilipinas.


Angkat daw kasi ng angkat ang bansa kasama na ang mga materyales para sa infrastructure project ng gobyerno.

Sa kabila nito, nasa 10 milyong Overseas Filipino Workers at mga call center worker naman ang nakikinabang sa mahinang piso.

Facebook Comments