DAHIL SA INCENTIVES | Kita ng mga magsasaka, inaasahang tataas

Naniniwala si House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles na makakatulong ang mga insentibo na ibibigay ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) para mapataas ang kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Nograles, makakatulong ang pagbibigay transportasyon at gamit sa pagsasaka sa mga local farmers para maibenta ng mga ito ang kanilang palay sa pamahalaan at mapataas ang buffer stock o imbak na bigas ng bansa.

Ikinatuwa ng kongresista ang mga hakbang ng pagbibigay ng gamit sa mga magsasaka upang maitaas ang kita sa ani.


Matatandaang sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na mananatiling P17 ang kada kilo ng bibiling palay ng pamahalaan pero bibigyan naman ng insentibo ang mga magsasaka na kung susumahin ay aabot sa P20 ang kada kilo ng kanilang ibebenta sa pamahalaan.

Sa kabila nito, patuloy naman ang panawagan ng mambabatas na itaas sa P20 ang bibilhin na pamahalaan na bigas sa mga local farmers upang bukod sa mabibigyan ng dagdag kita ang mga magsasaka ay magsisilbi na rin itong tulong ng pamahalaan sa kanila.

Facebook Comments