DAHIL SA INFLATION | NEDA, nangangambang hindi makamit ang poverty reduction target ngayong taon

Manila, Philippines – Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng mabulilyaso ang pagkamit ng poverty reduction target ngayong taon.

Ito ay kung hindi makontrol ang inflation.

Pero sinabi ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, on-track pa rin ang karamihan sa core indicators ng medium-term development plan ng Pilipinas para sa taong 2017 hanggang 2022.


Kabilang na dito ang Growth Rate ng Gross Domestic Product (GDP), ang per capita growth rate ng Gross National Income (GNI), maging ang pagpapanatili ng paglago sa food inflation.

Nabatid na target ng Duterte Administration na mabawasan ang national poverty incidence sa 17.9% hanggang 19.3% ngayong taon mula sa 21.6% noong 2016.

Facebook Comments