Manila, Philippines – Sugatan ang 16-anyos na tricycle driver matapos siyang saksakin ng lalaking naingayan sa kaniyang tambutso sa santa mesa, maynila.
Bago nito, makikita sa CCTV footage ang suspek si alyas “Mevin,” na kinausap muna ang menor de edad na biktima nang pumarada sa altura street.
Ayon kay ni Barangay Chairman Danilo Espino, matapos ang ilang minuto, bumalik ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ang binatilyo at kaagad na umalis.
Hinabol naman ng mga residente ang suspek pero umakyat ito sa bubungan, na nagdulot ng komosyon sa lugar.
Bagama’t hindi nahuli ang suspek, inaresto naman ang kasamahan nitong si Pablo Canunce.
Pero itinanggi niyang tinulungan niya ang suspek sa krimen kung saan iginiit niyang magkasama lang sila sa trabaho.
Nakuha naman sa pinagyarihan ng pananaksak ang kutsilyong ginamit ng suspek habang pinaghahanap na siya ng mga awtoridad.