DAHIL SA INJURY | Rafael Nadal nag-pull-out sa ATP Finals

Hindi na makakapaglaro sa season ending Nitto ATP Finals ang world number 2 player na si Rafael Nadal.

Nag-withdraw sa prestihiyosong torneo si Nadal dahil sa injury at nakatakda nitong operahan para tanggalin ang isang maliit na buto sa kaniyang paa.

Dahil dito pasok sa ATP Finals ang Amerikanong si John Isner na kukunin ang puwesto ni Nadal sa Gustavo Kuerten Group kasama sina World Number 1 Novak Djokovic, Alexander Zverev at Marin Cilic.


Nasa Lleyton Hewitt Group naman sina Roger Federer, Kevin Anderson, Dominic Thiem at Kei Nishikori.

Single round robin ang format ng torneo at papasok sa semis ang top two players sa bawat grupo.

Magsisimula ang Nitto ATP Finals sa Linggo, Nobyembre a-onse.

Facebook Comments