DAHIL SA INJURY | Simona Halep, umatras sa Connecticut Open

Aminado ngayon si world no. 1 top ranked Simona Halep na umatras siya sa Connecticut Open dahil sa pananakit ng kanyang kanang Achilles tendon.

Ayon kay Halep, nagsimula daw ito sa dalawang linggong pagsabak sa mga laban at kailangan daw nitong makapagpagaling para makasali ito sa US Open.

Nakatakda pa naman sanang maglaro sa New Haven ang Romanian tennis star kung saan matatandaang noong nakaraang linggo nang napanalunan ni Halep ang Rogers Cup sa Montreal, Canada.


Umabanse naman sa finals si Halep sa Cincinnati, ngunit talo sa tatlong sets kay Kiki Bertens sa Western & Southern Open.

Facebook Comments