Caloocan City – Arestado ang isang lalaki makaraang mameke ng reseta ng doktor para makabili ng sleeping pills sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Rodolfo Teodocio.
Ginagamit umano ng suspek ang pangalan at license number ng nagreklamong doktor para madaling makabili ng dormikum sa botika.
Ayon kay Helen Maita Reyes ng PDEA Compliance Service, ginagamit na pampatulog ang dormikum pero kabilang ito sa tinatawag na dangerous drugs dahil nagdudulot ito ng addiction.
Depensa naman ni Teodocio, may sakit siyang insomia kaya pinepeke na lang niya ang reseta para makatipid.
Kinasuhan na ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments