Hindi na pinapayagang bumiyahe o pumasada ngayon ang daan-daang mga pedicab sa bayan ng Mangaldan dahil sa kalumaan na ng mga ito.
Base sa datos ng POSO Mangaldan tinatayang nasa isang libo na mga pedicab ang operational o umiikot sa bisinidad ng Mangaldan para pumasada ngunit dahil sa utos ng POSO na pagbabawal sa pagpasada ng mga lumang pedicab dito ay kanila nang ipinatupad.
Ayon kay Mangaldan POSO Chief Gerry Ydia, layunin ng kautusang ito ay upang mailayo sa disgrasya ang mga pasahero dahil sa kalumaan ng at hindi na ligtas ang nasa 600 pedicab na luma.
Aniya pa, marami nang nasira sa kanilang sasakyan ngunit ang ginagawa na lang ng mga pedicab drivers ay pinapalitan lamang ng materyales ang bahagi ng naturang sasakyan.
Mahigpit ang isinasagawang monitoring sa mga pedicab na pumapasada kung saan suportado ang naturang kautusan ng mga pedicab drivers upang sigurado at ligtas ang kanilang mga pasahero.

Facebook Comments