DAHIL SA KALUMAAN | Otis Bridge sa Pandacan Maynila bumigay na

Manila, Philippines – Tuluyan ng isinara sa mga motorista amg tulay ng Otis sa Pandacan Manila matapos na ito ay bumigay kaninang madaling araw.

Ayon kay DPWH Engineer Mike Makud, 50 taon na ang nasabing tulay at mayroon na aniyang pondo na 37 milyong piso noon pang 2016 pero hindi naipatutupad dahil na rin sa trapiko na mararanasan ng mga motorista sa President Quirino Avenue kaya at ipinagpaliban ang pagkukumpuni ng naturang tulay.

Paliwanag ni Engineer Makud tatagal hanggang 18 buwan ang pagsasaayos ng tulay pero kung hihingi sila ng clearance sa MMDA para sa total closure ng tulay matapos na bumigay ang girder o biga ay mapapadali nila ang paggawa na tatagal lamang ng siyam na buwan.


Dagdag pa ni Engineer Makud na bumigay ang tulay ay dahil na rin sa kalumaan kaya hindi nila pinapayagang dumaan ang mga malalaking sasakyan sa naturang tulay.

Payo nito sa mga motorista pwede silang humanap na alternatibong daan at pwedeng dumaan din sa Espana, Plaza Dilaw, Osmena Hiway o kaya sa San Marcelino sa Ermita Manila patungo sa kanilang mga destinasyon.


Facebook Comments