DAHIL SA KAPABAYAAN? | Brgy. Chairman sa Lawton Manila, planong kasuhan ng MMDA

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng MMDA na kasuhan si Ligaya Santos ang Chairman ng Brgy. 659-A nakakasakop sa Lawton Ermita Maynila dahil sa talamak na ilegal terminal sa lugar.

Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija pinababayaan lang ng mga opisyal ng Brgy. na gawing ilegal terminal ng bus mga UV express ang lugar kung kaya’t nagiging dahilan ng masikip na daloy ng trapiko sa lugar.

Dalawang araw na nag operate ang MMDA kung saan maraming mga kolorum o out of line na sasakyan mga bus mga UV express ang nahuli ng mga otoridad.


Napuna rin ng MMDA na marumi mabaho mapanghi ang Lawton na tapat pa ng Post Office dahil ginawang malaking urinal ng mga driver ang lugar.

Nanawagan rin ang MMDA sa mga opisyal ng Manila City Hall sa hepe ng MTPB na si Dennis Alcoriza at opisyal ng Lawton PCP ng Stn 5 ng Manila Police District na makipag tulungan dahil kung babantayan lang nila kayang kaya umanong malinis mawala ang iligal terminal sa Lawton.

Facebook Comments