DAHIL SA KARNE NG BAKA │ Isang ginang, arestado sa pagnanakaw

Marikina – Dahil lamang sa mahigit isang kilo ng karne ng baka, nakakulong ngayon sa Marikina Police Station ang isang babae matapos mahulihan na nagnakaw ng karne ng baka sa Brgy. Sto. Niño ng naturang lungsod.

Arestado ang suspek na si Almira Cartina matapos maispatan ng helper ng biktimang si Crisuprema Domantay sa loob ng Carlo & Christian Meat Shop na matatagpuan sa E. Jacinto St., Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Ayon kay Crisuprema Domantay habang abalang-abala siya sa pagbebenta ng karne ng baka sa naturang palengke ay nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na tangayin ang 1.5 Kg na karne ng baka pero naispatan ito ng helper ng biktima kaya humingi ng tulong sa mga tauhan ng PCP 3 Marikina City Police Station at agad inaresto ang naturang suspek.


Facebook Comments