DAHIL SA KATIWALIAN | Apat na miyembro ng gabinete, gustong paimbestigahan

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang apat nitong cabinet secretaries.

Sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang confidential report.

Laman aniya nito ang pangalan ng mga cabinet member na sangkot sa katiwalian.


Nilinaw naman ni Belgica na kung ano lang ang lumabas sa kanilang imbestigasyon ay yun lamang ang laman ng nasabing ulat.

Pagtupad lang aniya ito sa utos sa kanila ng Pangulo na walang sasantuhin sa kampanya laban sa katiwalian.

Gayunman, tumanggi na si Belgica na pangalanan ang mga ito at sa halip ay ipauubaya na lamang nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments